close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Postal ATM Card Ginagawang Target ng mga Scammer: Tatlong Uri ng Mga Gumagamit ang Pinaka-Nanganganib, Babala ng Chunghwa Post

  • 24 March, 2025
  • 何薇薇
Postal ATM Card Ginagawang Target ng mga Scammer: Tatlong Uri ng Mga Gumagamit ang Pinaka-Nanganganib, Babala ng Chunghwa Post

Nung (ika-20) ng March, ipinagdiwang ng Chunghwa Post ang ika-129 nitong anibersaryo. Sa kabila ng magagandang resulta sa operasyon, ang pagiging pinakamalaking institusyong pampinansyal sa Taiwan pagdating sa dami ng deposit accounts ay nagdala rin ng negatibong epekto—ito ay naging pangunahing target ng mga sindikato ng panloloko. Dahil dito, sinuri ng Chunghwa Post ang mga taktika ng mga scammer at nagbigay ng babala sa tatlong uri ng mga gumagamit na madalas nabibiktima.

Ayon kay Chen Dongliang, may tatlong pangunahing uri ng mga gumagamit na madaling malinlang at nauuwi sa pagbebenta ng kanilang postal financial card sa mga scammer. Sinabi niya:

"Ang mga sindikato ng panloloko ay madalas maglagay ng mga advertisement sa Facebook at Line, sinasabing isang card lang ay maaaring ibenta sa halagang higit sa 100,000 NTD, minsan umaabot pa sa 600,000 NTD. Dahil dito, ang mga taong may pinansyal na pangangailangan o mas mahina sa aspetong pinansyal ay madaling maakit at maibenta ang kanilang account. Halimbawa, ang mga foreign workers, mga tumatanggap ng ayuda mula sa gobyerno na nasa low-income bracket, at mga residente sa malalayong probinsya ay kadalasang nabibiktima ng ganitong modus. Dahil sa kanilang pangangailangang pinansyal, naloloko sila ng mga sindikato na gamitin ang kanilang card para sa mga transaksyong may kinalaman sa fraud accounts."

Ginamit din ni Chen Dongliang bilang halimbawa ang mga foreign workers, na mayroong 600,000 accounts sa Chunghwa Post. Ang mga sindikato ay gumagamit ng iba’t ibang wika upang linlangin ang mga manggagawang dayuhan sa kani-kanilang komunidad, ipinapakita kung magkano ang maaaring kitain sa pagbebenta ng isang postal financial card.

Kapag nakuha na ng mga scammer ang mga card na ito, maaari nilang:

  1. Direktang gamitin ang ATM ng Chunghwa Post upang ubusin ang pera ng may-ari ng account.
  2. Gamitin ang account bilang mukhang lehitimong account para sa money laundering.
  3. Ipadala ang perang nakuha mula sa mga scam patungo sa mga overseas virtual accounts, dahilan kaya mahirap nang ma-trace ang iligal na transaksyon.

Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit mahigpit na kinokontrol ng Chunghwa Post ang mga virtual accounts—upang maiwasan ang paggamit nito sa mga scam at money laundering activities.

Dahil dito, nananawagan ang Chunghwa Post sa publiko na huwag ibenta ang kanilang postal financial card at maging mapanuri sa mga mapanlinlang na alok sa social media, upang hindi maging kasangkapan sa iligal na gawain ng mga sindikato ng panloloko.

Comments

Latest Newsmore