close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Biglaang Pagkatulala, Pagkalimot, o Pagkakadapa ng Matatanda, Posibleng Epilepsy

  • 28 March, 2025
  • 呂曉倩
Biglaang Pagkatulala, Pagkalimot, o Pagkakadapa ng Matatanda, Posibleng Epilepsy
Photo from Pixabay

Marso 26, Pandaigdigang “Purple Day” para sa Epilepsy. Ayon kay Dr. Li Jun-You ng En Chu Kong Hospital, kung ang isang matanda ay madalas na nakatulala, nakakalimot, o biglaang natutumba, maaaring ito ay senyales ng epilepsy. Sa matatanda, kadalasang sanhi nito ang sakit sa ugat ng utak, tulad ng stroke, na nagdudulot ng abnormal na electrical activity sa utak.

Isang 70-anyos na lalaki kamakailan ang nakaranas ng mabagal na pagresponde, madalas na pagkatulala, at hindi maipaliwanag na pagtumba. Natuklasan sa EEG na may abnormal na electrical discharge sa kanyang utak, at nakita sa CT scan ang bakas ng dating stroke. Matapos resetahan ng gamot laban sa epilepsy, bumuti ang kanyang kondisyon sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Ang Epilepsy ay karaniwan sa mga bata at matatanda na 65 pataas. Sa bata, kadalasang may kaugnayan ito sa genetic abnormalities, habang sa matatanda, ito ay nauugnay sa stroke, neurodegenerative diseases, o brain tumors.

Sa matatanda, ang epilepsy ay hindi palaging pangingisay kundi maaaring magpakita bilang:

Madalas na pagkatulala o biglaang pagkawala ng ulirat

Pagkalimot o memory lapses

Biglaang panghihina at hindi maipaliwanag na pagtumba

Pinapayuhan ang mga pamilya na gumamit ng cellphone upang i-video ang sintomas para sa tamang diagnosis. Mahalaga ang EEG upang makita ang abnormal na brain activity, habang ang CT scan ay nakakatulong sa pagtukoy ng stroke o iba pang abnormalidad sa utak.

Sa paggamot, 70% ng matatandang may Epilepsy ay maaaring makontrol ang kanilang kondisyon sa regular na pag-inom ng gamot. Mahalaga rin ang sapat na tulog, regular na ehersisyo, at pag-iwas sa alak. Ang tamang blood sugar control ay dapat ding bantayan, lalo na sa mga may diabetes, upang maiwasan ang seizure attacks.

Comments

Latest Newsmore