close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mag-ingat sa Higit 10 Mataong Daan sa National Highways sa Araw ng Qingming at Araw ng mga Bata!

  • 04 April, 2025
  • 呂曉倩
Mag-ingat sa Higit 10 Mataong Daan sa National Highways sa Araw ng Qingming at Araw ng mga Bata!
Photo CNA

Noong ika-3 ang unang araw ng Qingming holiday, at inaasahang 124 milyong kilometro ang itatakbo ng mga sasakyan sa national highways. Dahil kasabay nito ang Araw ng Qingming at Araw ng mga Bata, asahan ang matinding pa-timog na trapiko para sa pagbisita sa puntod at pamamasyal.

Sitwasyon ng Trapiko noong ika-3:

Hanggang 5 PM: Umabot na sa 86.2 milyong kilometro ang tinahak ng mga sasakyan.

Mabigat na trapiko sa hapon sa mga rutang:

National Highway 1: Hukou–Hsinchu, Sanyi–Houli, Changhua–Beidou.

National Highway 3: Tucheng–Yingge System, Zhongxing System–Nantou Service Area.

National Highway 5: Shiding–Pinglin.

Trapiko lumuwag pagsapit ng gabi.

Inaasahang Trapiko Ngayong Araw (ika-4):
Dahil sa magandang panahon, mas maraming sasakyan ang inaasahang pa-timog mula 5 AM hanggang hapon, lalo na sa:

National Highway 1: Yangmei–Toufen, Changhua System–Puyan System.

National Highway 3: Zhonghe–Guanxi, Kuaguan–Wufeng System, Caotun–Mingjian.

National Highway 5: Magsisimula ang trapiko mula 5 AM at tatagal hanggang hapon.

Samantala, asahan ang matinding pa-hilagang trapiko mula 2 PM hanggang gabi, lalo na sa:

National Highway 1: Yuanshan–Dahua System, Dingjin System–Gaoke, Dawan–Tainan System.

National Highway 5: Northbound traffic mula 2 PM.

National Highway 10: Trapiko sa umaga: Dingjin–Yanchao, Trapiko sa hapon: Renwu–Zuoying hanggang 7 PM.

Para Iwas-Trapiko:

Pa-timog: Umalis bago 5 AM o pagkatapos ng 12 PM.

National Highway 5 (Pa-timog): Umalis bago 5 AM o pagkatapos ng 5 PM.

Pa-hilaga:

Mula Yilan o Southern Taiwan: Umalis bago 9 AM.

Mula Central Taiwan: Umalis bago 12 PM.

Sundin ang tamang oras ng biyahe para maiwasan ang matinding trapiko.

Comments

Latest Newsmore