close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pag-unawa sa Pangangailangan sa Trabaho: DOLE ng Taiwan Maglulunsad ng Unang Opisyal na Survey sa Kakulangan sa Manggagawa ngayong Abril

  • 09 April, 2025
  • 何薇薇
Pag-unawa sa Pangangailangan sa Trabaho: DOLE ng Taiwan Maglulunsad ng Unang Opisyal na Survey sa Kakulangan sa Manggagawa ngayong Abril

Dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga ipinapanganak sa Taiwan (phenomenon ng "low birth rate"), lumalalim din ang krisis sa kakulangan ng manggagawa. Gayunman, wala pang konkretong datos upang patunayan ang aktwal na kalagayan. Kaya’t inanunsyo ng Ministry of Labor (DOLE ng Taiwan) na magsasagawa ito ng unang opisyal na “labor shortage survey” sa Abril. Iuugnay ito sa mga datos ng "inflow" at "outflow" ng mga manggagawa sa iba't ibang industriya, at inaasahang ilalabas ang unang ulat sa katapusan ng Hunyo.

Mula pa noong 2007, ang DOLE ay nagsasagawa ng quarterly labor demand surveys upang alamin ang pangangailangan sa manggagawa ng mga kumpanya. Ngunit dahil ang mga ito ay nakabase lamang sa tinatayang bilang para sa susunod na tatlong buwan, itinuturing ng ahensya na mababa ang halaga nito bilang basehan para sa long-term planning, kaya’t ihihinto na ito simula ngayong taon.

Ayon kay Mei Chia-yuan, hepe ng Statistics Department ng DOLE, nakaplanong magsagawa ng labor shortage surveys tuwing Abril, Hulyo, at Oktubre, ngunit dahil hindi pa tiyak kung maaaprubahan ang buong badyet, hindi pa malinaw kung matutuloy ang mga survey para sa Hulyo at Oktubre. Ang tiyak, magsisimula ang unang survey ngayong Abril, at maglalabas ng ulat sa katapusan ng Hunyo.

Idinagdag ni Mei na ang survey ay gagawin sa pamamagitan ng sampling, kung saan humigit-kumulang 4,000 kumpanya mula sa industriya at serbisyo sektor ang pipiliin upang masuri ang kalagayan ng kakulangan sa manggagawa.

Noong nakaraang taon, unang sinubukan ng DOLE na pag-aralan ang pattern ng kakulangan sa manggagawa. Noong Oktubre, naglabas ito ng unang “trial survey report” na tumukoy sa humigit-kumulang 66,000 bakanteng posisyon sa buong Taiwan na mahigit kalahating taon nang hindi napupunan.

Natuklasan sa ulat na ang pinakamalaking kakulangan ay nasa manufacturing sector na may 21,000 bakanteng posisyon, at ang pinakamalaking pangangailangan ay nasa mid-level skilled workers sa bansa.

Comments

Latest Newsmore