close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Ayon sa The Guardian: Taiwan Nagpaplano para sa Giyera — Mga Convenience Store Maaaring Maging Sentro sa Panahon ng Krisis

  • 15 April, 2025
  • 何薇薇
Ayon sa The Guardian: Taiwan Nagpaplano para sa Giyera — Mga Convenience Store Maaaring Maging Sentro sa Panahon ng Krisis

Ayon sa ulat ng The Guardian mula sa UK, mula sa seguridad sa enerhiya hanggang sa koneksyon sa internet, ang Taiwan ay gumagawa ng iba’t ibang paraan upang maprotektahan ang mamamayan sakaling magkaroon ng pag-atake mula sa Tsina. Isa sa mga pinag-uusapang plano ay ang paggamit ng mga convenience store bilang mahalagang sentro sa panahon ng digmaan.

Sa ulat ng The Guardian, walang nakatitiyak kung ano ang magiging anyo ng posibleng pag-atake ng Tsina sa Taiwan, ngunit may mga isinasagawang paghahanda ang mga tagaplano ng pamahalaan. Inaasahan na ang militar at pulis ay itatalaga sa mga frontlines, kaya’t posibleng ang mga sibilyan ang mangunguna sa pagbibigay ng pangangalaga at pamamahala sa mga komunidad.

Tinatayang mahihinto ang tulong mula sa ibang bansa; posibleng hindi na magamit ang mga tren; isasara ang himpapawid sa mga kargamento at iba pang sibilyang operasyon; at maaaring maputol ang internet at signal ng cellphone.

Ayon sa apat na source na may kaalaman sa internal na diskusyon, mayroong higit sa 13,000 convenience stores sa buong Taiwan. Sakaling mangyari ang ganitong sitwasyon, maaaring pumunta ang mga mamamayan sa mga tindahang ito upang kumuha ng pagkain at medisinang ipapadala ng sariling logistics system ng mga tindahan.

Maari ring makita sa mga tindahan ang mga anunsyo ng pamahalaan na ipapadala sa pamamagitan ng fax at ipapaskel sa mga display windows. Posibleng gamitin din ang mga emergency Wi-Fi hotspot ng mga tindahan para magpadala ng mga mensahe.

Noong panahon ng pandemya ng COVID-19, nakipagtulungan na ang mga tindahan tulad ng 7-Eleven sa pamahalaan upang ipamahagi ang mga face mask sa gitna ng kakulangan ng suplay. Bagama’t kakailanganin pa ng mas malawak na paghahanda para gawing mga sentrong pangkomunidad ang mga tindahan sa panahon ng giyera, ang "Komite para sa Pambansang Katatagan ng Lipunan" na itinatag ni Pangulong Lai Ching-te na kasalukuyang tinatalakay ang mga ganitong plano. Layunin nito na mas maging handa at mabilis makapag-adjust ang mga mamamayan sa oras ng sakuna o pag-atake.

Comments

Latest Newsmore