close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

May Martsa ng mga Manggagawa sa Mayo 1, Hiling ng Grupo: Isama ang Kinatawan ng Unyon sa Pagsusuri ng Carbon Fee

  • 15 April, 2025
  • 何薇薇
May Martsa ng mga Manggagawa sa Mayo 1, Hiling ng Grupo: Isama ang Kinatawan ng Unyon sa Pagsusuri ng Carbon Fee

Malapit nang ganapin ang Labor Day protest sa Mayo 1. Ayon sa mga labor group nung ika-12 ng buwan, ang martsa ay magtatampok ng pitong pangunahing kahilingan, kabilang ang pagtutol sa pambu-bully sa trabaho, pagpapababa ng oras ng trabaho, at seguridad sa pagreretiro. Hinihiling din nila na maisama ang mga kinatawan ng unyon sa komite para sa pagsusuri ng carbon fee, upang mas maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa.

Tuwing Mayo 1, taun-taong nagsasagawa ng malaking martsa ang mga grupo ng manggagawa upang hikayatin ang publiko na lumabas sa kalsada at himukin ang gobyerno na pagtuunan ng pansin ang mga isyung may kinalaman sa paggawa at mga polisiya nito. Sa taong ito, na kauna-unahang Labor Day sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Lai Ching-te, layunin ng mga organizer na makakalap ng 5,000 katao sa martsa. Ang pangkalahatang tagapamuno ng martsa ngayong taon ay si Dai Guo-rong, chairman ng National Industrial Union.

Batay sa impormasyon, ang 7 pangunahing kahilingan ay ang sumusunod:

  1. Pagtutol sa pambu-bully sa trabaho
  2. Pagbaba ng oras ng trabaho
  3. Seguridad sa pagreretiro
  4. Umento sa sahod
  5. Ganap na pagpapatupad ng tatlong pangunahing karapatan ng manggagawa
  6. Dagdag na manpower para sa mga sektor ng kalusugan, edukasyon, at child care
  7. Pagsasakatuparan ng makatarungang transisyon (Just Transition)

Ayon kay Dai Guo-rong, nananawagan ang mga grupo ng manggagawa na parehong saklawin ng batas sa kaligtasan sa trabaho at anti-bullying policies sa lugar ng trabaho ang mga kawani ng gobyerno at manggagawa sa pribadong sektor. Dagdag pa rito, nais din nilang dagdagan ang special leave, bilang ng mga holiday, at isulong ang three-day weekend, upang maalis ang imahe ng Taiwan bilang bansang may labis na mahabang oras ng trabaho.

Binigyang-diin rin ni Dai na kailangang itaas ang minimum wage sa NT$32,000, upang mapabuti ang isyu ng mababang pasahod sa bansa.

Ang martsa ay nakatakdang magsimula sa 12:30 ng tanghali sa Ketagalan Boulevard, dadaanan nito ang Taipei Main Station, Executive Yuan, at Legislative Yuan, bago bumalik sa Ketagalan Boulevard. Isang pre-event press conference ang gaganapin sa Abril 21 upang ihayag ang mas detalyadong plano.

Comments

Latest Newsmore