close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Portable Charger Nagliyab sa Loob ng High-Speed Train, Isang Pasahero Bahagyang Nasugatan

  • 16 April, 2025
  • 何薇薇
Portable Charger Nagliyab sa Loob ng High-Speed Train, Isang Pasahero Bahagyang Nasugatan

Nung (Abril 12), sa southbound na biyahe ng Taiwan High-Speed Rail (THSR) train no. 1607, nagkaroon ng insidente sa pagitan ng Chiayi at Tainan. Isang dalang bag ng pasahero ang nagliyab at nagbuga ng usok, at mabilis itong naapula gamit ang fire extinguisher ng mga kapwa pasahero. Ayon sa Taiwan High-Speed Rail, iniulat ng pasahero na sanhi ng sunog ay ang portable charger (power bank) sa kanyang bag. Ang pasaherong may-ari ng bag ay nagtamo ng bahagyang pinsala, at agad siyang tinulungan at ini-report sa pulisya.

Ayon sa Taiwan High-Speed Rail, ang nasabing pasahero ay nagtamo lamang ng maliit na sugat, at agad na tinulungan ng nurse sa istasyon. Agad din nilang inabisuhan ang Railway Police ukol sa insidente.

Dagdag ng THSR, nakumpleto na ng railway police ang pagsusuri at nakita ang bahagyang sunog sa sahig ng tren. Agad nilang ipinasok ang tren sa maintenance depot para sa paglilinis at inspeksyon. Walang ibang biyahe ng tren ang naapektuhan.

Ayon naman sa Kaohsiung branch ng Railway Police Bureau, nakatanggap sila ng ulat mula sa THSR bandang 9:10 ng umaga na may insidente ng nasunog na power bank sa unang coach ng tren no. 1607. Agad silang nagpadala ng tauhan sa lugar. Pagdating ng mga pulis, naapula na ang apoy ng ibang pasahero gamit ang fire extinguisher.

Sa imbestigasyon, ang 29-anyos na si Ginoong Peng ay iniwan ang kanyang backpack sa sahig sa harap ng kanyang upuan. Sa loob ng bag ay may dala siyang power bank, na ayon sa kanya ay hindi naman naka-charge nang mangyari ang insidente. Ngunit habang binabagtas ng tren ang rutang Chiayi-Tainan, biglang nagliyab ang power bank sa hindi pa tiyak na dahilan. Si Ginoong Peng ay napaso sa kaliwang braso, nagkaroon ng pamumula at pamamaga, ngunit nananatiling maayos ang kanyang kondisyon. Matapos gamutin ng nurse sa THSR Zuoying Station, pumunta siya mag-isa sa ospital. Walang ibang pasaherong nasugatan sa insidente.

Comments

Latest Newsmore