close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

1,682 Katao sa Under “No Work, No Pay” Scheme; Wala Pang Epekto Mula sa U.S. Tariffs

  • 20 April, 2025
  • 何薇薇
1,682 Katao sa Under “No Work, No Pay” Scheme; Wala Pang Epekto Mula sa U.S. Tariffs

Inanunsyo nung (Abril 16) ng Ministry of Labor (MOL) ang pinakabagong datos sa mga kumpanyang nagpapatupad ng “no work, no pay” o flexible work arrangements. Sa ngayon, nabawasan ng 307 katao kumpara sa nakaraang ulat. Ang sektor ng manufacturing ang may pinakamalaking pagbaba, at may ilang kumpanya sa sektor ng accommodation at food services ang tumigil na rin sa pagpapatupad, lalo na ‘yung naapektuhan ng lindol noong Abril 3, 2023. Sa ngayon, wala pang malinaw na epekto mula sa ipinataw na taripa ng Estados Unidos.

Ayon sa ulat, may 110 kumpanya na ang nag-ulat ng pagpapatupad ng "no work, no pay", na sumasaklaw sa 1,682 empleyado. Ito ay mas mababa kumpara sa 123 kumpanya at 1,989 empleyado na naitala noong Abril 1.

Ayon kay Wang Jin-Rong, Deputy Director ng Labor Standards and Equal Employment Division ng MOL,

  • Pinakamalaking pagbaba ay sa sektor ng manufacturing – bumaba ng 177 katao.
  • Sa metal at machinery sector, dalawang kumpanyang gumagawa ng makinarya (may higit 100 empleyado) ang tumigil sa “no work, no pay” dahil bumuti na ang kanilang mga order. Isa sa kanila ay maagang tumigil sa pagpapatupad.

Gayunpaman, may isa ring kumpanya sa metal at machinery industry (may higit 100 empleyado) na nagsimulang magpatupad muli ng no work, no pay dahil sa pagbaba ng mga order. Sila ay nagpapatupad nito 3 araw kada buwan.

Dagdag pa ni Wang Jin-Rong:

  • Sa semiconductor industry, may isang kumpanya na tumigil muna sa pagpapatupad, habang patuloy pang pinag-uusapan at sinusuri kasama ang mga empleyado kung magpapatuloy o hindi.
  • Sa chemical industry, may isang kumpanya ng plastic products (may higit 100 empleyado) ang nagsumite ng aplikasyon para sa isang buwang no work, no pay, dahil din sa kakulangan ng order.

Paalala ni Wang,

Kung ang isang kumpanya ay magpapatupad ng flexible working o no work, no pay scheme nang walang pahintulot ng mga manggagawa, ito ay labag sa batas.
Maaaring hindi mabigyan ng buong sahod ang mga empleyado, kaya’t ito ay paglabag sa Labor Standards Act at maaaring pagmultahin ayon sa batas.

Comments

Latest Newsmore