close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Pagkatapos ng Pandemya Eto na ang Pinakamalaking Tour Group na Dumating sa Taiwan! Tagumpay ng New Southbound Policy ng Taiwan Tourism Administration

  • 21 April, 2025
  • 何薇薇
Pagkatapos ng Pandemya Eto na ang Pinakamalaking Tour Group na Dumating sa Taiwan! Tagumpay ng New Southbound Policy ng Taiwan Tourism Administration

Nagbunga na ang New Southbound Policy ng Taiwan Tourism Administration sa ilalim ng Ministry of Transportation and Communications! Matapos ang pagbisita ng 800 kataong incentive tour mula sa kumpanyang Asian Paint Limited ng India noong Pebrero, isang napakalaking grupo ng 1,000 katao mula sa Great Eastern Life Assurance (Malaysia)—isa sa pinakamalaking kompanya ng insurance sa Malaysia—ang unang batch ng kanilang incentive travel ay dumating nuong (Abril 17) sa Taiwan. Ito na ang pinakamalaking insentibong biyahe ng isang banyagang kumpanya mula noong pandemya noong 2019!

Ayon sa Taiwan Tourism Administration, ang kabuuang bilang ng grupo mula sa Great Eastern Life ay 1,010 katao. Sila ay darating sa Taiwan mula Abril 17 hanggang 29, sa walong magkakahiwalay na batch, upang tuklasin ang hilagang bahagi ng Taiwan sa isang 5-araw, 4-gabing tour na sasaklaw sa New Taipei, Taipei, at Yilan.

Kasama sa kanilang itinerary:

  • Kultura at kasaysayan
  • Taiwanese food experience
  • Hands-on craft making
  • City tours

Mga lugar na bibisitahin:

  • Jiufen mountain town
  • Shifen sky lantern experience
  • Ximending sa Taipei
  • Yilan National Center for Traditional Arts
  • Isang whisky distillery tour

Bukod sa paglagi sa mga international 5-star hotels at pagdalo sa malalaking gala nights, layunin din ng programang ito na palakasin ang team spirit ng mga empleyado. Higit pa rito, ang kanilang aktwal na paggasta ay makakatulong sa ekonomiya ng lokal na turismo. Tinatayang makakalikha ito ng higit sa NT$50 milyon  sa foreign tourism revenue.


Dagdag pa rito, darating pa rin ngayong buwan ang iba pang malalaking incentive groups:

  • 600 katao mula sa Toyota Motor Philippines
  • 600 katao mula sa Cong TY TNHH MTV HERBALIFE ng Vietnam

Ang mga pagdating na ito ay magpapalakas sa internasyonal na turismo ng Taiwan sa panahon pagkatapos ng pandemya, at magbibigay ng kumpiyansa sa Taiwan sa pagsulong bilang isang pangunahing hub ng pandaigdigang turismo.

Comments

Latest Newsmore