close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Araw ng Edukasyong Pantay sa Kasarian: Huwag Gamitin ang Gender Expression Bilang Sandata ng Paninira — Ayon sa DPP

  • 22 April, 2025
  • 何薇薇
Araw ng Edukasyong Pantay sa Kasarian: Huwag Gamitin ang Gender Expression Bilang Sandata ng Paninira — Ayon sa DPP

Nung (ika-20 ng Abril) ay Araw ng Edukasyong Pantay sa Kasarian. Sa pamamagitan ng Facebook, nanawagan ang Democratic Progressive Party (DPP) na magsimula sa araw-araw na gawain sa politika ang paggalang sa isa’t isa—at huwag gawing sandata ng paninira ang kasarian o gender expression. Mahalaga ang pagbibigay-galang sa karapatan ng bawat isa na maging totoo sa kanilang sarili.

Ayon sa DPP, sa araw na ito 25 taon na ang nakalilipas, si Rose Boy Yeh Yung-Chih ay trahedyang pumanaw, isang pangyayari na nagtulak sa lipunang Taiwanese na seryosohin ang kahalagahan ng edukasyong pantay sa kasarian. Dahil dito, isinulong ang Gender Equity Education Act, at itinakda ang Abril 20 bilang Araw ng Edukasyong Pantay sa Kasarian.

Ipinahayag ng DPP na sa loob ng 25 taon, patuloy nilang tinatahak ang landas ng pagkakapantay sa kasarian. Unti-unti nilang isinusulong at inaamyendahan ang mga batas, kabilang na ang Tatlong Batas ukol sa Gender Equality, Apat na Batas para sa Pag-iwas sa Sekswal na Karahasan, at ang Batas laban sa Pag-uusig at Paghabol o Stalking. Patuloy silang nagsisikap na buwagin ang diskriminasyon at stigma, pinoprotektahan ang pagpapahayag ng iba’t ibang gender identities, at ginawa rin nilang posible para sa Taiwan na maging unang bansa sa Asya na nagpatupad ng marriage equality.

Dagdag pa ng DPP, sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, bawat isa ay maaaring makapag-ambag kahit na maliliit ngunit mahalagang paraan para sa pagkakapantay sa kasarian. Halimbawa: sa mga diskusyon, iwasan ang paggamit ng gender expression bilang biro, pang-iinsulto o panlait—kahit pa iba ang pananaw sa pulitika ng kausap. Maging online man o sa aktwal na mga pagtitipon sa politika, tungkulin nating lahat na itigil at kondenahin ang anumang uri ng karahasan o diskriminasyong may kinalaman sa kasarian.

Comments

Latest Newsmore