close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mabilis na Pagtaas ng Presyo ng Bahay sa Kaohsiung-Pingtung, Halaga ng “Reverse Mortgage” Tumaas ng 200 Milyon sa Unang quarter

  • 23 April, 2025
  • 何薇薇
Mabilis na Pagtaas ng Presyo ng Bahay sa Kaohsiung-Pingtung, Halaga ng “Reverse Mortgage” Tumaas ng 200 Milyon sa Unang quarter

Dahil sa pagtatayo ng planta ng TSMC sa Kaohsiung, at ang pagtatatag ng Asian Asset Management Center sa Kaohsiung Financial District, patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bahay sa rehiyon ng Kaohsiung-Pingtung. Ayon sa datos mula sa Financial Supervisory Commission (FSC), tumaas ng NT$200 milyon ang kabuuang halaga ng mga bagong reverse mortgage (kilala rin bilang "以房養老") sa rehiyon ng Kaohsiung-Pingtung sa unang quarter ng 2024—pinakamataas sa lahat ng rehiyon sa Taiwan.

Ayon kay Wang Yun-Zhong, Deputy Director ng Banking Bureau:
“Sa Kaohsiung-Pingtung at rehiyon ng Yilan-Hualien-Taitung, ang karagdagang halaga ng reverse mortgage ay NT$200 milyon at NT$7 milyon. Ang mabilis na paglago ay dahil sa patuloy na promosyon ng mga bangko, at ang unti-unting pagtanggap ng publiko sa ganitong uri ng produkto. Bukod pa rito, patuloy na tumataas ang presyo ng mga bahay sa gitnang at katimugang bahagi ng Taiwan at maging sa rehiyon ng Hualien-Taitung, kaya’t tumataas din ang halaga ng mga maaring ipa-loan, at mas mataas ang interes ng mga tao na kumuha ng reverse mortgage.”

Dagdag pa ng Financial Security Commission, FSC, ang reverse mortgage service na inilunsad noong 2015 ay nagpapakita ng tuloy-tuloy na paglago. Hanggang noong katapusan ng Marso ngayong taon (2025 o Minguo 114), umabot na sa 9,302 kaso ang kabuuang naiprosesong reverse mortgage sa loob ng 10 taon, na may kabuuang halaga na NT$53.3 bilyon. Kumpara sa katapusan ng Disyembre noong nakaraang taon, tumaas ito ng 3.57% sa bilang ng kaso at 4.72% sa kabuuang halaga ng pautang.

Comments

Latest Newsmore