close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Inanunsyo ng Lungsod ng Taipei ang Measles Exposure Sites; Mag-self Monitor ng Kalusugan Hanggang Mayo 7

  • 29 April, 2025
  • 何薇薇
Inanunsyo ng Lungsod ng Taipei ang Measles Exposure Sites; Mag-self Monitor ng Kalusugan Hanggang Mayo 7

Nuong ika 26 ng Abril, inanunsyo ng Lungsod ng New Taipei ang isang bagong kumpirmadong kaso ng tigdas (measles). Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan ng Lungsod ng Taipei, ang nasabing pasyente ay bumisita sa ilang pampublikong lugar habang siya ay nakakahawa, kabilang ang TASTY Steakhouse Roosevelt Branch at R9 Café (Baihua Branch). Pinaaalalahanan ang mga nagkaroon ng pagkakapareho sa mga lugar na ito na magsagawa ng self-health monitoring hanggang ika 6 o 7 ng Mayo.

Ipinahayag ng Kagawaran ng Kalusugan ng New Taipei na ang bagong kumpirmadong kaso ay isang 27-gulang na lalaki mula sa Sanchong District, na isang close contact ng naunang kaso ng tigdas na nagkaroon ng aktibidad sa mga lungsod at lalawigan sa Gitnang Taiwan.

Ayon sa pahayag ng Kagawaran ng Kalusugan ng Taipei, sa imbestigasyon ng epidemiology, natuklasang ang pasyente ay bumisita sa mga pampublikong lugar sa Taipei City habang nasa nakakahawang yugto:

  • Abril 18 ng tanghali, kumain sa TASTY Steakhouse Roosevelt Branch
  • Abril 19 ng gabi, nanatili ng 2 oras sa R9 Café (Baihua Branch)

Pinapayuhan ang lahat na nagkaroon ng parehong exposure na magsagawa ng self-health monitoring ng 18 araw, hanggang Mayo 6 o Mayo 7.

Dagdag pa ng Kagawaran ng Kalusugan, kung nakapunta ka sa alinman sa mga nasabing lugar at nakakaranas ng mga sintomas tulad ng:

  • pantal sa balat (rashes)
  • lagnat (fever)
  • ubo (cough)
  • sipon (runny nose)
  • pagiging sensitibo sa liwanag (photophobia)
  • pagluha ng mata (tearing)

Dapat kaagad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health service center para maayos na maiproseso ang pagpapatingin at upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng virus.

Comments

Latest Newsmore