close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Magkakaroon na ba ng Reporma sa Labor Insurance? Pahayag ni Hung Shen-han: Kailangang Harapin ang Problema sa Paghihingi at Pagbibigay ng Benepisyo

  • 20 May, 2025
  • 何薇薇
Magkakaroon na ba ng Reporma sa Labor Insurance? Pahayag ni Hung Shen-han: Kailangang Harapin ang Problema sa Paghihingi at Pagbibigay ng Benepisyo

Tungkol sa isyu ng reporma sa Labor Insurance (Labor Insurance Pension), ilang ulit nang binigyang-diin ng dating kalihim ng Ministry of Labor na si Ho Pei-shan na “ang paglalaan ng pondo (subsidy) ay reporma na.” Ngunit nuong (ika-15 ng Mayo), sa pagharap ni Minister Hung Shen-han sa Health and Welfare Committee ng Legislative Yuan, sinabi niyang hindi siya sumasang-ayon sa pananaw na "ang subsidy ay katumbas ng reporma." Aniya, ang subsidy ay isa lamang sa mga pamamaraan, at dapat harapin din ang mga ugat ng problema sa koleksyon ng pondo at pagbibigay ng benepisyo sa ilalim ng Labor Insurance.

Sa reporma ng Labor Insurance Pension, sa nakalipas na anim na taon ay patuloy ang gobyerno sa pagbibigay ng subsidy sa pondo ng Labor Insurance na umabot na sa NT$387 bilyon. Dahil dito, naantala ang orihinal na inaasahang petsa ng pagkaubos ng pondo ng tatlong taon—mula 2028 ay naging 2031. Gayunpaman, sa kabila ng subsidyo, hindi pa rin tinutugunan ang mga pangunahing reporma tulad ng pagbabago sa paraan ng pagkalkula ng pensyon, pagbabawas ng benepisyo, o pagtaas ng kontribusyon.

Hinggil naman sa panukala ng oposisyon na isabatas ang probisyon na “ang gobyerno ang dapat may huling pananagutan sa pagbibigay ng benepisyo,” sinabi ni Hung Shen-han na bukas ang kanyang kalooban sa naturang mungkahi.

Samantala, kaugnay sa pag-apruba ng Legislative Yuan kamakailan ng dagdag na 5 araw ng pambansang holiday, sinabi ni Hung na ipapaalala ng Ministry of Labor sa mga employer na alinsunod sa Labor Standards Act, obligado silang bigyan ng araw ng pahinga ang mga manggagawa sa mga itinakdang holiday. Kung sakaling papasok sa trabaho ang manggagawa sa holiday sa pahintulot nito, kinakailangang bayaran siya ng doble ang sahod. Dagdag pa niya, magbibigay ang ahensya ng suporta upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga bagong alituntunin.

Comments

Latest Newsmore