Ayon sa New Taipei Metro noong Mayo 29, nagdagdag sila ng mga kagamitan na may kakayahang labanan ang pagsaksak o tutsok para palakasin ang proteksyon. Sa driver cabins sa unahan at hulihan ng bawat tren, mayroong anti-stab shield bag at suot na anti-stab gloves para magamit ng mga tauhan sa tren.
Sa kanilang pahayag, may mga insidente ng biglaang pananakit sa mga pampublikong transportasyon sa Taiwan kamakailan. Bilang tugon, bukod sa mga kasalukuyang gamit pangseguridad, nagdagdag ang New Taipei Metro ng mga anti-stab na kagamitan at mga alert device, na hango sa karanasan ng JR West Japan na gumagamit ng anti-stab umbrella sa kanilang tren.
Ang shield bag ay parang backpack na may bakal na pwedeng gamitin bilang panangga para maprotektahan ang mga pasahero sa panganib at makalayo nang ligtas. Ang gloves naman ay may kakayahang labanan ang pagputol at pagtutsok, para may proteksyon ang mga tauhan kapag malapit ang kalaban.
Sa mga istasyon, may mga anti-stab umbrella na gawa sa multi-layer na tela para sa mga tauhan lamang, na makakatulong pigilan ang pagpasok ng matutulis na armas. Kung may biglaang atake, gagamitin ito ng mga tauhan habang nakikipagtulungan sa pulis ng MRT para kontrolin ang sitwasyon at ilikas ang mga pasahero.
Patuloy ang pag-deploy ng mga kagamitan. Sa light rail, ang mga driver at mga tauhan sa piling istasyon ay bibigyan ng gloves at shield bags. Sa medium-capacity system naman, lahat ng driver cabins ay may ganitong kagamitan, at may anti-stab umbrellas sa mga information desks ng lahat ng istasyon.
Sinabi ng kumpanya na ang paglagay ng anti-stab equipment ay base sa risk assessment at pandaigdigang uso. Patuloy nilang ia-adjust ito base sa operasyon, mga karanasan sa insidente, at feedback ng mga tauhan, at palalawakin ang training para mas maging handa ang mga empleyado.