close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

WOAH kinilala ang Taiwan bilang tanging bansa sa Asya na ligtas sa tatlong pangunahing sakit ng baboy

  • 02 June, 2025
  • 何薇薇
WOAH kinilala ang Taiwan bilang tanging bansa sa Asya na ligtas sa tatlong pangunahing sakit ng baboy

Inanunsyo nuong (ika-29 ng Mayo) ng Kagawaran ng Agrikultura na ginanap ang ika-92 World Organisation for Animal Health (WOAH) Annual Meeting mula Mayo 25 hanggang 29 sa Paris, France. Noong ika-29 ng Mayo, alas-10:15 ng umaga (oras sa lokal), isinagawa ang opisyal na seremonya ng pagkilala sa mga bansa bilang "disease-free zones". Opisyal nang kinilala ng WOAH ang Taiwan bilang isang “swine fever-free country”, kaya’t ngayon ay pormal nang napatunayang walang kaso sa bansa ng tatlong pangunahing sakit ng baboyfoot-and-mouth disease, African swine fever, at classical swine fever. Sa ganitong pagkilala, ang Taiwan ang nag-iisang bansa sa buong Asya na sabay-sabay na naabot ang mga pamantayan para sa lahat ng tatlong sakit. Isang malaking tagumpay ito para sa estratehiya ng bansa sa inspeksyon at quarantine, at isang mahalagang hakbang para sa mas malawak na pagpasok ng baboy at mga produktong baboy ng Taiwan sa pandaigdigang merkado, na lubos na nagpapalakas sa kredibilidad at kumpetisyon ng industriya sa buong mundo.

Ayon sa Kagawaran, base sa mga pamantayan ng WOAH na nakasaad sa Terrestrial Animal Health Code para sa pagkilala bilang “swine fever-free country”, simula Hulyo 1, 2023 ay itinigil ng Taiwan ang pagbabakuna laban sa swine fever. Pagkatapos nito ay sunod-sunod na kinolekta at inayos ng pamahalaan ang mga datos ng quarantine, surveillance, at monitoring. Noong Agosto 2024, opisyal na inihain ng Taiwan ang aplikasyon sa WOAH at pagkatapos ng masusing pagsusuri ng mga internasyonal na eksperto, nakapagsumite rin ng karagdagang dokumento hanggang sa tuluyang makamit ang opisyal na pagkilala.

Binigyang-diin ng Kagawaran na ipagpapatuloy ng Taiwan ang pagpapatibay sa domestic at border monitoring ng mga sakit sa hayop, pag-inspeksyon, at kakayahan sa pagtugon. Palalalimin din ang pakikipag-ugnayan sa WOAH at mga quarantine institutions ng iba’t ibang bansa upang mapanatili ang kasalukuyang status bilang disease-free country sa tatlong pangunahing sakit ng baboy. Kasabay nito, lalong palalakasin ang resilience, seguridad, at sustainability ng industriya ng hayupan, upang mas maging matibay ang pundasyon ng pag-export ng mga produktong hayop mula Taiwan. Layunin nitong itaguyod ang tatak ng dekalidad na baboy mula Taiwan sa buong mundo, at palakasin pa ang kakayahang makipagkumpitensya sa industriya.

Comments

Latest Newsmore