close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Aksidente ng Taroko Express: Sentensiya kay Li Yixiang sa Ikalawang Paglilitis, Pinaigting sa 12 Taon at 6 na Buwan

  • 03 June, 2025
  • 何薇薇
Aksidente ng Taroko Express: Sentensiya kay Li Yixiang sa Ikalawang Paglilitis, Pinaigting sa 12 Taon at 6 na Buwan

Sa malagim na aksidente ng Taroko Express ng Taiwan Railways na ikinasawi ng 49 katao, si Li Yixiang, ang site supervisor ng ilegal na konstruksiyon, ay hinatulan sa unang pagdinig ng 7 taon at 10 buwang pagkakakulong ng Hualien District Court dahil sa pagkakasalang "pagkamatay dahil sa kapabayaan" at iba pa. Samantalang ang manggagawang Vietnamese na si Hua Wenhao ay pinawalang-sala.

Matapos ang apela, nuong (ika-29 ng Mayo), binago ng Hualien Branch ng Taiwan High Court ang sentensiya kay Li Yixiang sa 12 taon at 6 na buwang pagkakabilanggo, habang nanatiling walang sala si Hua Wenhao, ngunit maaari pa rin itong iapela.

Si Hua Wenhao, isang manggagawang Vietnamese na naroon sa lugar ng insidente, ay inakusahan ng pagkamatay dahil sa kapabayaan, ngunit pinawalang-sala sa unang pagdinig. Sa ikalawang pagdinig, iginiit ng korte na hindi malinaw ang ugnayan sa pagitan ng mga kilos ni Hua at sa pagkahulog ng trak sa riles ng tren na naging sanhi ng aksidente, kaya’t ibinasura ang apela at pinanatili ang hatol na walang sala.

Noong Nobyembre 11, 2022, hinatulan ng Hualien District Court si Li Yixiang ng 5 taon at 3 taon na pagkakakulong para sa pagkamatay dahil sa kapabayaan at paglabag sa batas ng pamahalaan ukol sa pagbili ng serbisyo, na pinagsama sa kabuuang 7 taon at 10 buwan ng pagkakakulong, kalakip ang multang NT$500,000. Sa bahagi ng hit-and-run, si Li ay hinatulan ng walang sala.
Samantala, si Hua Wenhao ay inakusahan lamang ng kapabayaan sa pagkamatay, ngunit hinatulang walang sala.
Matapos ang apela, ang kaso ay isinailalim sa ikalawang pagdinig sa Taiwan High Court Hualien Branch, at ngayon ay inilabas ang hatol.

Comments

Latest Newsmore