close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Malagim na Aksidente sa Sanxia, New Taipei: 78-Taong Gulang na Driver na si Ginoong Yu, Pumanaw Dahil sa Matinding Pinsala

  • 04 June, 2025
  • 何薇薇
Malagim na Aksidente sa Sanxia, New Taipei: 78-Taong Gulang na Driver na si Ginoong Yu, Pumanaw Dahil sa Matinding Pinsala

Isang malubhang aksidente sa kalsada ang naganap noong ika-19 ng Mayo sa labas ng Beida Elementary School sa Sanxia District, Lungsod ng New Taipei, na nagresulta sa 3 patay at 12 sugatan (kasama ang driver). Karamihan sa mga biktima ay mga estudyante. Ayon sa pulisya, ang 78-taong gulang na tsuper na si Ginoong Yu, na lumabag sa traffic light at sumalpok ng mabilis, ay pumanaw ngayong umaga (Mayo 31) dahil sa matinding pinsalang tinamo.

Dakong 4:00 ng hapon noong Mayo 19, isang sasakyan na minamaneho ng retiradong si Yu Wenzheng, 78 taong gulang, ang bigla na lamang sumagasa ng mahigit 10 katao sa kalsada, na naging sanhi ng 3 nasawi, 1 nasa kritikal na kondisyon, at 11 sugatan. Kalaunan ay bumangga rin si G. Yu sa concrete divider, na nagdulot ng matinding pinsala at pagkawala ng malay. Ngayong araw, biglang lumala ang kanyang kondisyon at idineklarang patay alas-7:20 ng umaga matapos mabigong maisalba ng mga doktor.

Ayon sa ulat, sa nakalipas na dalawang araw ay pabagu-bago ang kondisyon ni Ginoong Yu, subalit kaninang umaga ay biglang lumala, na nauwi sa multiple organ failure. Bagaman sinikap siyang sagipin ng mga doktor sa Far Eastern Memorial Hospital, ay hindi na siya na-revive at opisyal na idineklarang patay alas-7:20 ng umaga.

Agad na ipinaalam ng pulisya sa kanyang asawa ang insidente. Nang makita ni Ginang Yu ang malamig na bangkay ng asawa sa ospital, siya ay labis na nasaktan at napaiyak. Naabisuhan na ang Prosecutor’s Office ng New Taipei, at inaasahang isasagawa ang autopsy ngayong hapon.

Comments

Latest Newsmore