close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

Mga Medical Center at Rehiyonal na Ospital na Lumalabag sa Labor Standards Law, Papatawan ng Mas Mabigat na Parusa Simula Agosto 1 ayon sa Ministry of Labor

  • 10 June, 2025
  • 何薇薇
Mga Medical Center at Rehiyonal na Ospital na Lumalabag sa Labor Standards Law, Papatawan ng Mas Mabigat na Parusa Simula Agosto 1 ayon sa Ministry of Labor

Dahil sa mga isyung dulot ng labis na overtime ng mga manggagamot at nurse na nauuwi sa kakulangan ng healthcare personnel, inihayag nuong (Hunyo 6) ng Ministry of Labor na simula Agosto 1, ang mga ospital na kinilalang “Medical Center” at “Regional Hospital” ng Ministry of Health and Welfare ay papatawan ng mas mabigat na multa kapag lumabag sa Labor Standards Law—kabilang ang hindi pagbibigay ng overtime pay, sobrang overtime hours, paglabag sa “isang araw na pahinga sa loob ng pitong araw” (seven-day-off rule), hindi tamang pagitan ng mga shift, at hindi pagbabayad ng overtime sa mga araw ng pahinga. Ang pinakamataas na multa ay maaaring umabot sa NT$1.5 milyon.

Ipinaliwanag ng Ministry of Labor na upang matiyak ang pagkakapareho ng implementasyon ng batas sa bawat lokal na ahensya ng paggawa, mayroong uniform standards sa pagpapataw ng parusa. Kung ang isang kumpanya o employer ay lalabag sa alinman sa sumusunod na mga probisyon ng Labor Standards Law—Artikulo 24, 32, 34, 36, o 39—tulad ng hindi pagbibigay ng overtime pay, labis na overtime, hindi pagbibigay ng isang araw na pahinga kada 7 araw, paglabag sa pagitan ng mga shift, o hindi pagbabayad ng overtime sa araw ng pahinga, maaaring patawan sila ng multang mula NT$50,000 hanggang NT$1 milyon. Bukod pa rito, maaari pang dagdagan ang multa ng hanggang kalahati ng pinakamataas na parusang itinakda sa batas, base sa kakayahang pinansyal ng kumpanya at kung ilang beses na itong lumabag sa loob ng tatlong taon.

Dagdag pa ng ahensya, kung ang isang manggagawa ay nagtrabaho lampas sa regular na oras ng trabaho, ang employer ay obligadong magbayad ng overtime pay alinsunod sa Article 24. Kung hindi umabot sa isang oras ang overtime, dapat pa ring kalkulahin ayon sa aktwal na oras, halimbawa, kung 20 minuto ang overtime, kailangang bayaran ito bilang 20/60 ng isang oras.

Paalala sa mga manggagawa: Kung mapansing may paglabag ang inyong employer sa anumang batas-paggawa, maaari kayong magsampa ng reklamo sa lokal na opisina ng paggawa o tumawag sa “1955” Labor Complaint Hotline upang maprotektahan ang inyong mga karapatang-paggawa.

Comments

Latest Newsmore